Wednesday, September 29, 2010

Pagmamahalan na higit pa sa Langit at Lupa

“Hindi niyo ba natanong sa kaibigan niyo o mismo sa sarili mo kung bakit maingay ang butiki pag gabi? Gumagawa ng kakaibang tunog na nakaka-irita?”

                    Isang araw sa kisame may butiki na walang paki alam sa kanyang kapaligiran na ang pangalan ay Butik. Sa kanilang mag kakapatid siya lang ang may kaka ibang itsura, may puti sa dulo ng kanyang buntot na nakaka akit. Isang gabi, habang nag papa hinga si butik sa paborito niyang tambayan na kisame, bigla nalang siyang nahulog at nagalit. Tumingin siya sa taas at nakita ang isang anay na kinakain ang kahoy sa kisame. Lumapit si butik at tinanong ang anay, “hindi mo ba alam na may butiking naka sabit dito? Bulag ka ba? Sino ka ba?” ang sabi ng anay, “pasenya na kaibigan, gutom lang kasi ako at kailangan ko ng lakas para maka kuha ako ng maraming pag kain para sa aking itay na may sakit ngayon, ako pala si anita”. Namula at nahiya ang butiki dahil nabighani siya sa ganda ni anita. Hindi nakapag salita ang butiki. Umalis nalang siya at iniwan si anita. Nang naka uwi na sa kanilang tahanan si anita, sinabi niya sa kanyang matalik na kaibigan niyang si anito na may nakilala siyang butiki sa may kisame ng kusina. Sinabi rin ni anita sa kanyang kaibigan na may kaka ibang itsura ang butiki, nakaka mangha ang kanyang buntot dahil may puti ito sa dulo. “sayang hindi ko natanong ang pangalan ng butiking iyon, mukang masungit nga eh” sabi ni anita na namumula ang kanyang pisngi. Sabi naman ni anito, “hayaan mo na yon at huwag kang lumapit doon, baka kung ano ang gawin sa’yo”. Hindi nalang umimik si anita at natulog nalang siya na naka ngiti. Kina gabihan, tulad ng naka gawian ni anita, siya ay nag tungo sa kusina upang naka likom ng pag kain ng kanyang ama. Namahinga si butik sa kisame at napalingon sa naririnig. Hinanap niya ang kaka ibang tunog na nang gagaling sa kabilang bahagi ng kisame. Dinikit ni butik ang kanyang muka upang marinig at mahanap kung saan nang gagaling ang tunog. Nagulat siya at biglang nabutasan ang parte ng kisame kung saan naka lapat ang kanyang muka, nang biglang dumungaw ang mukha ni anita at lalo pa niyang ikina taranta nang mag dikit ang kanilang mga labi. Pansamantalang nanahimik ang dalawa at biglang nag salita si butik, “Ikaw nanaman?”. “Oo ako nga. Bago mo ako pagalitan, pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?” mabilis na tanong ni anita. “Ako si Sam milby, ikaw si anita diba?”. “Sam milby? Mukang pamilyar, Ahh!! Baka may kapangalan ka lang na narinig ko”. “Sige alis na ako, kailangan ko pang mang huli ng makakain ko ngayon at sa susunod tignan mo kung saan lalapat ang iyong mukha habang kumakain ka kasi baka isang gabi kung saan madikit ang iyong labi”. Umalis na si butik na hindi man lang lumingon kay anita habang si anita nama’y namumula dahil sa nangyari.

                      Umaga noon ay nang huhuli si butik ng mga maliliit na insekto nang bigla siyang napag katuwaan ng mga batang nag lalaro. Hinabol siya nila santina kasama ng mga kaibigan dahil napansin nila na may kaka ibang buntot si butik. Ang mga tsinelas ng mga bata ay nag sisi liparan dahil sa intensiyon nilang mahuli si butik. Natatakot si butik at ginagawa lahat ng makakaya para maka takas sa mga bata. Dahil sa sobrang takot, kaba at bilis ng pag takbo ni butik, naipit siya sa kisame. Umiiyak at sumisigaw si butik ng saklolo dahil hindi na siya maka alis sa kisameng naipitan niya at ang mga bata ay papalapit na sa kanya. Habang natutulog si anita ay may naririnig siyang ingay at sumisigaw ng saklolo. Nag madali si anita dahil naisip niyang pamilyar ang boses na sumisigaw, nang nahanapan na niya kung saan galing ang ingay ay nakita niya si butik na naka ipit at umiiyak. Nag madaling kainin ni anita ang kahoy at mabilis niyang nakain ito, naligtas ni anita si butik sa mga bata. Sabi ni anita kay butik, “sam milby, anong nangyari? Bakit ka hinahabol ng mga bata at naipit ka sa kisame?” Niyakap ni butik si anita at sinabing, “Salamat, kung wala ka siguro kanina pa ako pinag laruan ng mga batang iyon. Salamat talaga aking kaibigan.” “Walang anuman sam milby, basta ibahagi mo ang iyong mga kahoy sakin” tugon ni anita. Natawa si butik kay anita at sinabing, “May ipag tatapat ako sa’yo, ang tunay kong pangalan ay Butik. Nag kunwari akong sam milby ang pangalan ko para hindi mo malaman dahil nahihiya ako sa’yo. “nahihiya? Bakit naman”. “Wala lang, gusto ko lang kasing makilala ka ng lubusan”. Nag tampo si anita kay butik dahil sa kanyang pag sisinungaling, agad na umalis at iniwan si butik ng walang paalam.

                     Pagka lipas ng ilang araw, napa-wari si butik dahil hindi na niya nakikita si anita. Matagal na ina abangan ni butik si anita na manguha ng makakain. Isang araw, nagawi si butik sa kubeta at may narinig na kumakaluskos sa kabilang bahagi ng kisame. Agad niyang tinungo at tinawag ang pangalan ni anita, “ANITA! ANITA! Ikaw ba yan?” tumingin ang anay na nakita ni butik at sinabing, “Ha? Sinong anita? Pasensya na ngunit hindi anita ang pangalan ko, ako si Anne Curtis”. Biglang nalungkot si butik at nang tatangakahin na niyang umalis, siya’y biglang napalingon at nakita si anita na may kasamang lalaking anay na si anito. Gustong lapitan ni butik si anita ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Napansin ni anita na naroon si butik na paalis na. Tinawag niya si butik sa pabirong pangalan, “Sam milby! Halika.” Tumingin at napa ngiti si butik at agad itong lumapit kay anita. Pinakilala ni anita si butik kay anito. Napansin ni anito na may gusto sila sa isa’t isa. Isang gabi ay nag kaka siyahan ang lahat dahil kaarawan ni anne Curtis, inbitado ang lahat. Niyaya ni butik si anita na pumunta sa paborito niyang kisame na nasa kusina. Narinig ni anito ang kanilang usapan at nag balak itong sirain. Gustong patayin ni anito si butik upang sila ni anita ang mag katuluyan. Habang nag uusap si butik at anita ng masinsinan, nagulat sila dahil biglang lumabas at may hawak na baygon si anito. Iginilid ni butik si anita upang maka iwas sa gulong mangyayari. Agad na sinunggaban ni anito si butik kaya naman nabitawan ni butik si anita sa pag kakapit sakanya at nahulog sa may butas ng kisame. Siya ay bumagsak sa mesa na kung saan ay kumakain si santina, nagulat ang bata sa kanyang nakita at nandiri. Kaya agad niya itong hinampas ng librong fundamental of accounting na isinulat ni Zenaida Vera-Cruz Manuel. Natigil ang away ng dalawa nang mapansin nila si anita na walang malay at duguan, agad na tumalon si butik sa kinalalagyan ni anita. Napahiyaw si santina at tumakbo sa gulat. “Anita, gumising ka. Huwag mo akong iwan, mahal na mahal kita. Sana noon ko palang sinabi sayo ito ngunit wala akong lakas ng loob na sabihin sa’yo ang aking nararamdaman dahil hindi tayo magka-uri”. Ang paiyak na sinabi ni butik. Nagkaroon ng konting malay si anita at kahit hirap na hirap ay pinilit niyang tumugon sa sinabi ni butik. “Mahal din kita butik simula noong makilala kita, ngunit alam kong hindi tayo para sa isa’t isa dahil hindi tayo magka-uri. Maraming tututol sa atin kung magiging tayo man ay mag sasama”. Niyakap nila ang isa’t isa ng mahigpit at unti-unting nawawalan ng malay si anita at bigla na nga itong namatay.
Dumaan ang mga araw at ang buwan patuloy paring nag aabang si butik sa kisame at umaasang babalik at mabubuhay si anita. Hindi na niya kayang itago ang kanyang nararamdaman kaya tuwing sasapit ang gabi, naaalala niya si anita at wala siyang magawa kundi idinaan na lamang niya ito sa pag iyak. Ito ang dahilan kung bakit sa tuwing sasapit ang gabi, naririnig natin ang mga butiki na gumagawa ng kaka ibang tunog tulad ng “tsk, tsk, tsk”. Ito ang paraan ni butik na mailabas ang galit sa mga tao at ito rin ang kanyang paraan upang patuloy na maisip na babalik at mabubuhay muli si anita. “tsk, tsk, tsk”.

                      Sana mag silbing aral ito para sa ating lahat na pag dating sa pag-ibig, hindi dahilan ang inyong pag kaka iba, mayaman ka man o mahirap, maputi ka man o maitim, pangit ka man o hindi, at higit sa lahat, tao ka man o hindi, lahat tayo may karapatang mag mahal at mahalin.

No comments: